Kinilala ni Lt. Col. Renoir Pascua, ang mga nasawing mag-asawang Danilo at Judith Patiluna at apat nilang anak na narekober ang bangkay kahapon ng umaga.
Ayon kay Pascua na ang bahay ng pamilya Patiluna ay nakatayo sa gilid ng ilog na sakop ng Sitio Makangay at pinaniniwalaang natutulog ang mga biktima nang umapaw ang tubig. (Ulat ni Roel D. Pareño)
Kinilala ni P/Sr. Insp. Anastacio Benzon, police chief ng naturang bayan ang biktimang si Danilo Maniego ng Block 11 Lot 17, Apo St. ng naturang lugar, samantala, boluntaryong sumuko ang suspek na si Reymund Azarias, 47, matapos ang krimen na naganap dakong ala-1:30 ng hapon.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Edwin Ignacio, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang magbiro ang biktima na may SARS virus ang suspek na ikinagalit naman hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)
Si Josephine Perez ay nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan, samantala, ang asawang si Nestor Perez, 22, ay ginagamot sa Bicol Medical Center.
Mabilis namang tumakas ang suspek na si Severino Perez Jr., 37, may asawa ng nabanggit na barangay matapos isagawa ang krimen bandang ala-1:30 ng hapon. Blangko pa rin ang mga imbestigador sa tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)
Bandang alas-10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Librado Durante, 45 ng Don Mariano Santos Avenue, Barangay San Isidro sa bayang ito.
Huling nakitang buhay ang biktima na nagmamaneho ng traysikel ilang oras bago matagpuan ang kanyang bangkay sa madamong bahagi ng naturang lugar na may tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido at nakatali ng alambre ang dalawang kamay, ayon sa pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)