Pangungunahan ni Gov. Tomas Joson III ang paggunita sa araw na ito ng ipinamalas na kagitingan ng mga gerilya na noon ay pinamumunuan nina Kapitan Eduardo Joson at Kapitan Juan Pajota na pawang komisyonado ng USAFFE.
Maglalagay ng historical marker ang provincial government ng N. Ecija para kilalanin ang ginawang katapangan ng mga Pilipino gerilya para sagipin ang mga POWs noong gabi ng Enero 30, 1945.
Kabilang sa mga magiging panauhin sa paggunitang ito ay sina Defense Sec. Angelo Reyes, AFP chief Dionisio Santiago, Army chief Lt. Gen. Gregorio Camiling, Lt. Col. Russel Lewey ng US embassy at National historical Institute chairman Ambeth Ocampo at iba pang opisyal ng lalawigan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)