Crew ng Jolibee todas sa road mishap

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang 20-anyos na crew ng sikat na Jollibee fastfood chain ang iniulat na namatay makaraang masalpok ng kotse at dyip habang ang biktima ay tumatawid sa kahabaan ng Barangay Tanzang Luma, Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jacklyn Bustillos, dalaga, service crew ng Jollibee sa Robinson Department Store sa Dasmariñas at residente ng Barangay Salitran, Dasmariñas.

Samantala, hindi naman nakilala ang dalawang driver ng kulay pulang kotse at owner type dyip na mabilis tumakas matapos na masalpok ang biktima dakong ala-una ng madaling-araw.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang dalawang suspek na driver. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments