Kinilala ni P/Sr. Supt. Romeo Rufino, South Cotabato police director ang mga biktimang sina Crisostomo Gabut, barangay chairman; James Barba, market guard; at Martin Paculna at pawang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na nagbabantay sa naturang lugar.
Ang pagsabog ay naganap bandang alas-8:50 ng gabi sa main gate ng palengke at ikalawang pangyayari na simula noong Pebrero 21 na pinasabog naman ang shopping mall.
Napag-alaman pa kay Rufino, ang bomba na may battery-operated improvised at nakalagay sa apat na litrong plastic gallon ng lubricant oil at namataan ni Carlito Pascual, may-ari ng stall sa palengke habang papauwi.
Ang bomba ay itinanim malapit sa mga batang naglalaro sa loob ng palengke at inakalang container lamang saka kinuha at ibinigay naman kay Louie Canon, isang market guard.
Sa pag-aakalang isang container lamang na naglalaman ng tubig ay inilagay naman nito sa electric post at ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay sumambulat na ang bomba.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na pangyayari. (Ulat nina John Paul Jubelag/John Unson)