Kinilala ni Sr. Supt. Mario Sabungan, provincial director, ang mga biktima na sina Marilou Camacho, ang mga magulang nito na sina Modesto at Stefanie Fieldad at Constante Fieldad na pawang nakatira sa San Julian, Vigan City.
Ayon sa ulat, nakasakay ang mga biktima sa Hyundai Besta van at tinatahak ang highway sa Barangay Pug-os, Cabugao ng bigla silang harangin ng mga armadong kalalakihan.
Pinagbabaril ng grupo na armado ng M-16 armalite riffle ang mga biktima na agad nasawi sa pinangyarihan ng insidente.
Sinabi ng mga awtoridad, si Marilou ay kabilang sa kanilang order of battle na pinaghihinalaang shabu queen sa kanilang lalawigan at ilang ulit na ring naaresto dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
Inaalam din ng mga awtoridad kung may kinalaman ang ginawang pananambang sa nasabing pamilya sa awayan sa lupa ni Marilou na umanoy nais kunin ng kanyang live-in partner. (Ulat nina Danilo Garcia at Myds Supnad)