17 minero nailigtas sa gumuhong minahan

May labimpitong minero na ang naisalba sa gumuhong minahan sa Mt. Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley noong Martes ng tanghali.

Ang mga nailigtas na minerong trabahador ng Australian Mining Corporation (AMC) ay nakilalang sina Cornelio Roselio Jr., Rogelio Lampira, Eddie Rojas, Ricky Suringa, Rafael Traya, Reynante Banduan, Allan Indoy, Henry Indoy Jr., Harry Roselio, Intong Etorma, Jay Reyes, Jay Elliot, Loloy Gimao, Ricky Marangit, Carlito Indoy, Sergio Bulaong at Bert Caber, 17-anyos.

Samantala, kabilang sa nakuhang pangalan na ngayon ay nanatiling nasa gumuhong minahan ay sina Manny Arsagon, Danny Yap, Oscar Cuer, Ernesto Canete at Allan Santos.

Bago pa gumuho ang minahan ay idineklara na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na danger zone ang naturang lugar,ngunit sa hindi nabatid na dahilan ay nagpatuloy pa rin sa operasyon ang nabanggit na kompanya. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments