Halos magutay ang katawan ng biktimang si Dodong Dagadag dahil sa tama ng mga shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan, ayon kay Army Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Army unit.
Samantala, ang nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang sina Aladdin Dagadag, 10; Benzar Lumagan, 9 at Saddam Baluno, 8, na pawang nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa katawan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya kay Ando, aksidenteng napulot ng mga biktima ang rifle grenade na pinaniniwalaang naiwan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa pag-aakalang laruan ang rifle grenade ay masayang pinagpasa-pasahan hanggang aksidenteng mabitiwan at bumagsak sa lupa saka umalingawngaw ang malakas na putok.
At nang mapawi ang makapal na usok ay duguang nakabulagta ang mga biktima kayat mabilis namang dinala sa ospital, ngunit patay na si Dodong nang idating dito. Ang kanyang mga kalaro ay inoobserbahan pa. (Ulat ni John Unson)