Abandonadong kampo ng NPA nadiskubre

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Muli na namang nakadiskubre ang tropa ng 71st Infantry Battalion ng Philippine Army ng inabandonang kampo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Lupao, Nueva Ecija noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Army Col. William Campos, 71st Infantry Battalion commander, ang nadiskubreng kampo ay itinayo sa 5,000 metro kudrado sa Barangay San Roque at may 10 bunker at classroom na maaaring umakupa ng 50 rebelde.

Ang nadiskubreng kampo ay ika-12 kampo na ng NPA na inaabandona sa Nueva Ecija, nauna na ang kampo na itinayo sa limang ektaryang lupain sa Barangay Malinao, Gabaldon.

Ang isa pang kampo na nadiskubre sa Mt. Williams, Villafloresta sa lungsod na ito na ikinadiskubre ng mga buto ni Aglipayan Fr. Dakila Lopez.

Napag-alaman pa na ang puwersa ng mga rebelde sa naturang lalawigan ay humina dahil ang iba ay sumuko at ang iba naman ay pansamantalang nanahimik dahil sa sunud-sunod na opensiba ng tropa ng militar.

Ayon pa kay Campos, nanatili pa rin ang grupo ni Emeterio "Ka Yves" Antalan, hepe ng Nueva Ecija Provincial Party Committee at si Calosa alyas Balong. (Ulat ni Manny Galvez)

Show comments