Samantala, sa panig ng militar ay nasawi naman si Cpl. Nicanor Obrero mula sa 8th Marine Battalion Landing Team habang walo namang sundalo ang sugatan sa panibagong pag-atake ng mga rebelde sa nakubkob ng militar na Buliok complex.
Ayon kay Army Major Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division, tinangka ring sakupin ng mga rebelde ang itinayong military detachment ng 40th Infantry Battalion, ngunit wala namang nagawa ang MILF kundi umatras.
Narekober naman ng militar ang shoulder-fired rocket launcher, tatlong B-40 anti-tank rocket at ibat ibang uri ng bala ng baril na inabandona ng mga rebelde.
Ipinakalat na ang tropa ng 6th Marine Battalion Landing Team mula sa Sulu para bantayan ang perimeter ng Buliok complex.
Dahil sa paulit-ulit na pagtatangka ng MILF na bawiin ang Buliok complex ay inalerto na ang buong puwersa ng miltar sa Pikit at Pagalungan hanggang sa Narciso Ramos Highway sa Matanog, Maguindanao. (Ulat ni John Unson)