Mag-asawa ninakawan na pinatay pa

SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang matanda ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan bago pinagnakawan makaraang pasukin ang bahay ng mga biktima sa Lower Nagyubuyuban sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Magkatabing nakabulagta ang mag-asawang sina Juan at Avelina Abat, kapwa 53-anyos ng naturang lugar.

Inatasan naman ni P/Chief Supt. Arturo C. Lomibao, PNP Region 1 director ang kanyang mga tauhan para tugisin ang mga killer na pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan para hindi maantala ang follow-up operation.

May teorya naman ang pulisya na kakilala ng mag-asawa ang mga killer dahil sa malaking halaga ng salapi ang itinatago ng mga biktima na tinangay. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments