Sinabi ni SPO4 Teresita Ponseca ng PNP Womens and Childrens Protection Desk na nagsipagtago na ang mga suspek na may edad na 14 hanggang 16-anyos.
Samantala, ang mga biktima na may edad 12 hanggang 15 ay pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan.
Nabisto ang pangyayari makaraang ikuwento ng isang biktima sa kaibigang naging biktima rin na sumapi sa "Wild Child" fraternity.
Isiniwalat ng mga biktima na hinikayat sila ng mga suspek para sumapi sa fraternity para may makilalang maraming miyembro, ngunit piniringan sila sa mata bago dalhin sa naturang lugar.
Pinagbantaan pa ang mga biktima na may mangyayaring masama sa kanila kapag ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari.
Hindi naman nila malaman kung sinu-sino sa mga suspek ang nagsagawa ng maitim na balak at kung may madakip man ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ((DSWD) rehabilitation center sa bayan ng Magalang. (Ulat nina Ding Cervantes at Pesie Meñoza)