Mag-utol grabe sa granada

CAMP CRAME Muli na namang naghasik ng lagim ang Moro rebels makaraang hagisan ng granada ang bahay ng magkapatid na ikinasugat naman ng malubha ng mga biktima sa Barangay Bangkal Matanao, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Inoobserbahan sa Davao del Sur Hospital sina Rolly Generalo Jr. at utol nitong si Jenelyn na tinamaan ng shrapnel ng granada habang natutulog sa kanilang bahay.

Nabatid sa ilang kapitbahay ng mag-utol na namataan nila ang dalawang lalaki na umaaligid sa bahay ng mga biktima at ilang sandali pa ay umalingawngaw na ang malakas na putok dakong alas-3 ng madaling-araw.

Wala namang makapagsabi sa pulisya kung ano ang dahilan nang naganap na pangyayari. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments