Pulis dedo sa ambush ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tinambangan at napatay ang isang pulis-Matnog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagmomotorsiklo patungo sa kanilang himpilan sa Barangay Sulongan sa Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga.

Labingwalong bala ng M-16 rifle at kalibre .45 baril ang tumapos kay PO3 Monleto Empes ng nabanggit na barangay. Samantala, ang apat na rebelde ay kaagad naman nagsitakas matapos ang pananambang dakong alas-8 ng umaga.

May teorya ang pulisya na planado ang pananambang dahil sa kabisado ng mga rebelde ang ruta ng biktima kaya inabangan saka niratrat hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments