Dalagang problemado sa pamilya nagbigti

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinaniniwalaang matinding problema sa pamilya ang naging ugat para magpakamatay ang isang 38-anyos na dalaga sa bakanteng bahay na sakop ng Barangay San Francisco, General Trias kamakalawa ng hapon.

Natagpuang nakabitin ang bangkay ni Ma. Victoria Jumalesa ng Mabuhay Homes 2000, Barangay Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Narekober ni PO1 Mannix Barrientos ang suicide note ng biktima matapos isagawa ang pagpapakamatay dakong alas-singko ng hapon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments