Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Sonny Oscenar, 28 anyos, residente ng Brgy. Dolores, Taytay matapos magtamo ng mga tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ang di pa nakilalang suspek na umanoy kapatid ng dalagang nabuntis ng biktima.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at ng dalaga na kinilala lamang sa palayaw na Babes.
Ilang saglit pa ay umiiyak na nagtatakbo umano ang babae matapos na tumanggi ang binata na panagutan ang dinadala nitong sanggol.
Lingid sa kaalaman ng biktima ay nasundan pala ang dalaga ng kanyang kuya kung saan ay sinugod ito ng saksak hanggang sa duguan itong mapalupasay. (Ulat ni Joy Cantos)