Ayon kay AFP-Northern Luzon Command Chief, Major General Romeo Dominguez, ang nasabing bomba ay aksidenteng nahukay ng 1st Explosives Ordinance Division (EOD) at Area Support Command ng Phil. Army sa pamumuno ni Major Miguelito Reyes sa nasabing lugar bandang alas 2:00 ng hapon.
Ang narekober na bomba na pinaniniwalaang naiwan noon pang panahon ng mga Hapones nang sakupin ng mga ito ang bansa ay isang 105 MM Howitzer.
Napag-alaman na kasalukuyang naghuhukay ang mga tauhan ng Tarlac Water System sa nasabing lugar nang mahukay ang nasabing bomba at agad itong inireport sa mga awtoridad.
Dinala na ang narekober na vintage bomb sa headquarters ng 1st EOD para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)