Hepe ng bumbero pinasisibak

PAMPANGA – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang hepe ang bumbero makaraang ireklamo ng tauhan dahil sa pagkademoralisa sa kanilang hanay.

Nagsumite na ng reklamo ang lahat ng miyembro ng Pampanga Bureau of Fire Protection sa opisina ng Department of Interior and Local Government (DILG) para masibak sa puwesto si Fire Marshall Supt. Ma. Luisa Hadjula.

Napag-alaman pa ibinulgar ng mga fire marshall mula sa iba’t ibang municipal at lungsod ang anomalya ni Hadjula.

Hindi naman nakuha ang panig ni Hadjula upang magbigay ng paliwanag sa ibinabatong akusasyon laban sa kanya. (Ulat ni Pesie Miñosa)

Show comments