Narekober ng pulisya ang limang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit sa pagpatay sa mga biktimang sina Marciano Ong, 40 at Carmen Brocelo, 39 na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi matapos na matiyempuhan ng mga killer na nagkukuwentuhan ang dalawa na nakatayo sa harap ng kanilang bahay.
Inaalam ng mga imbestigador kung may kinalaman ang dating asawa ng lalaki at babae sa pamamaslang. (Ulat ni Efren Alcantara)