Duguang bumulagta ang biktimang si Eduardo Silahi matapos na bistayin ng bala ng baril bandang alas-7 ng gabi sa harap ng tindahan ng kaibigang si Roberto Casano habang nakikipag-inuman ng alak.
Napag-alaman na bago maganap ang pamamaslang sa biktima ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa makakaliwang kilusan, ngunit binabalewala nito kaya maagang sinalubong si Kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)