2 chop-chop na katawan ng tao natagpuan

RODRIGUEZ, Rizal – Pugot ang ulo, mga kamay at paa ng tsinap-chop na parang manika ang katawan ng hindi kilalang lalaki habang isa pang naaagnas na bangkay ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Edwin Ignacio, magkasunod na natagpuan ang bangkay sa pagitan ng alas-4 at alas-6 ng umaga sa hangganan ng Brgy. Payatas at Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Unang natagpuan ang pugot ang ulo, putol ang balikat, mga kamay at hita ng di pa nakilalang lalaki na isinilid sa itim na plastic bag at inilagay sa sako matapos itapon sa masukal na lugar bandang alas-4 ng umaga.

Di-kalayuan sa kinatagpuan sa tsinap-chop na bangkay ay nakita naman ang isang di pa rin nakikilalang naaagnas na bangkay na nakasilid naman sa kulay asul na plastic container na lalagyan ng tubig.

Kasalukuyan namang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na may posibilidad na kapwa biktima ng summary execution at itinapon sa naturang lugar upang iligaw ang mga imbestigador. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments