2 preso pumuga

CAMP CRAME — Dalawang preso na may nakabimbing kaso ng robbery with arson at murder ang iniulat na tinutugis ngayon ng mga alagad ng batas makaraang makapuga sa municipal jail ng Libona, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga presong tumakas na sina Harold Obalang at Edmund Datuin, samantala, nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang jail warden at jail guard matapos na matakasan ng preso.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pagpuga dakong alas-11 ng gabi matapos na wasakin ang kandado ng selda na nasa likurang bahagi ng istasyon ng pulis. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments