Gayunman, pansamantalang di muna tinukoy ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pangalan ng nasawi nilang mga tauhan habang hindi pa naiimpormahan ang kanilang mga pamilya.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang anim pang nasugatang sundalo.
Ayon kay Col. Pedro Purba ng Armys 72nd Infantry Battalion (IB), nagsimula ang labanan ng atakihin ng mga sundalo ang isang kampo ng mga rebelde sa Bayan ng Talaguinod.
Sinabi ni Purba na pinaniniwalaang marami rin ang nasawi at nasugatan sa hanay ng mga rebelde sa tatlong oras na sagupaan habang nagdeploy na rin ng karagdagang puwersa ng militar sa nasabing lugar.
Sa isang phone interview, sinabi ni AFP Southcom Spokesman Lt. Col. Daniel Lucero, kasalukuyan umanong sinusuyod ng kanilang mga tauhan ang Sto. Niño, Talaguinod dakong alas 9:00 ng umaga ng makasagupa ang may 80 armadong grupo ng Medardo Arce Command sa ilalim ng pamumuno ni Leonardo Pitao alyas Commander Parago na aktibong nag-ooperate sa silangang bahagi ng Mindanao.
Si Commander Parago ang responsable sa pagdukot kay Ret. Brig. Gen. Victor Obillo, dating Chief ng Armys 51st Engineering Brigade at sa aide nitong si Capt. Eduardo Montealto noong Pebrero 17, 1998 sa Sitio Kalatong, Baguio District, Davao City.
Ang dalawang opisyal ay pinalaya ng mga rebelde matapos ang dalawang buwang pagkakabihag.
Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng puwersa ng militar sa kagubatan ng Davao del Norte upang dakpin ang mga nagsitakas na rebelde. (Dagdag na ulat ni Danilo Garcia at ng AFP)