Lider ng sindikato ng droga todas sa barilan

CAMP CRAME — Pinaniniwalaang lider ng sindikato ng droga ang iniulat na napatay, samantala, dalawa nitong tauhan ang naaresto makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na tropa ng militar at pulisya sa Andrada Subdivision, Barangay Banica, Roxas City kamakalawa ng umaga.

Si John Hope Balguma na imbes na sumuko sa mga alagad ng batas ay nakipagbarilan pa makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito, samantala, nakorner naman sina John at Bernard Varquez ng naturang lugar.

Narekober ng mga awtoridad matapos ang isinagawang raid dakong alas-9 ng umaga ang tatlong baril, hindi nabatid na gramo ng shabu, 2 cellphone at iba’t ibang uri ng bala ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments