Sa nakalap na ulat mula kay Army Major Julieto Ando, spokeman ng Armys 6th Infantry Division, ang mga nagsisukong katutubo ay mula sa Brgy. Tandang sa Malugon, Saranggani.
Sinabi ng mga sumukong katutubo na ni-recruit sila ng Pentagon makaraang makumbinsi na maipagtanggol nila ang ancestral domain para mapanatili ang kanilang kultura at tradisyon.
Makaraan nilang mabatid na pawang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang nag-recruit sa kanila ay nagdesisyong sumuko upang ma-avail ang programang ibibigay ng gobyerno.
sinabi pa ng mga sumukong katutubo na ginagamit ng Pentagon ang kanilang barangay bilang kuta kapag may nabibiktimang mayayamang negosyante mula sa South Cotabato-Saranggani-General Santos area.
Isinuko rin ng mga katutubo ang mga armas na ibinigay sa kanila ng lider ng Pentagon. (Ulat ni John Unson)