Mahusay sumayaw ng "Asereje" dinedo

CAMP NAKAR, Lucena City – Naging ugat ng kamatayan ng isang 22-anyos na lalaki ang kahusayan nito sa pagsasayaw makaraang saksakin ng magsasaka sa pre-wedding party sa Barangay Silongin, San Francisco, Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib ang nasawing biktima na si Jefril Rocafort, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Arnel Aldovino ng Barangay Inabuan sa nabanggit na lungosd.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Roger Maralit, naganap ang krimen dakong ala-1 ng madaling-araw matapos na patugtugin ang "Asereje" at kaagad na pumagitna saka sumayaw ang biktima.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nilapitan ng suspek ang biktima bago inundayan ng saksak na pinalagay na matinding pagkainggit ang umiral na motibo ang naging dahilan ng krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments