Inaresto naman ang may-ari ng pagawaan ng baril na si Salvador Pacubar, 62, may asawa matapos na makumpiska ang ibat ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril na bagong kumpuni.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Dante Suarez, hepe ng pulisya sa bayang ito, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-3 ng hapon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Obnamia ng Mauban Municipal Trial Court.
May palagay si Suarez na nakatunog at nakatakas ang ibang trabahador ni Pacubar bago pa salakayin ang kanyang bahay.
Pinaniniwalaan namang supplier ng baril si Pacubar sa mga rebeldeng New Peoples Army. (Ulat ni Tony Sandoval)