Kasalukuyang nasa custody nina Mayor Samuel de Jesus at Palawan Provincial director P/Sr. Supt. Michael Garraez, ang biktimang si Celina Abaring, 45, ng Sitio Manet ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na nakalap ng PSN mula kay P/Sr. Supt. Medardo Apacible, MIMORAPA Regional director, dinukot ang biktima noong Linggo ng umaga bandang alas-9 at pinalaya lamang ng mga rebelde kinabukasan.
Sa salaysay ni Abaring sa mga awtoridad, humihingi ng limang sako ng bigas at P5,000 subalit nagbigay naman ng dalawang kilo ang asawa ng biktima kaya kaagad namang pinalaya ang babae.
Pinayagan ng mga rebeldeng makalaya ang biktima upang dalhin ang natitirang tatlong sakong bigas at P4,500 subalit hindi na nagbalik pa at bagkus ay ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari.
Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang ibinigay na pahayag ng biktima na pawang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang dumukot sa kanya o pangkaraniwang sibilyan na nagpanggap na NPA rebels.
Kaagad namang dinispatsa ang tropa ng militar at pulisya dahil sa natanggap na impormasyon na may namataang mga rebelde sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Ed Amoroso)