Sa ulat ni Col. Jovenal Narcise, ng 702nd Brigade ng Philippine Army na isinumite sa Camp Aguinaldo, inabandona ng mga rebelde ang kampo na may 26 bunkers.
Sinabi pa ni Narcise na aabot sa 500 rebelde ang may-aring umakupa sa nadiskubreng kampo na nakapuwesto sa mataas na bahagi ng Sierra Madre at hindi maaaring makita ng surveillance helicopter team na sumusuyod sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman pa kay Narcise na simula pa noong Enero 2002 ay pinaghahanap na nila ang nabanggit na kampo dahil sa impormasyong nakalap na ginagawang sanayan ng mga bagong recruit na kasapi.
"Ito ang pinakamalaking kampo na nadiskubre ng militar matapos na magdeklara ng all-out-war laban sa makakaliwang pamahalaan. (Ulat ni Danilo Garcia)