Nanita sa pagpapaputok tinodas

SAN LEONARDO, Nueva Ecija Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang lalaki makaraang saksakin ng kanyang kainuman dahil sa ginawang paninita ng biktima sa huli na nagpapaputok ng kuwitis noong gabi ng bisperas ng Bagong Taon sa Barangay Nieves sa bayang ito.

Dalawang saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Norbert Sugitan, tubong Cagayan Valley, mabilis naman tumakas ang suspek na si Melanio Matias sa hindi nabatid na direksiyon.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Danilo Delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang ito, nagpaputok ng kuwitis ang suspek habang iniinom ng alak kaya sinita siya ng biktima ngunit nairita ito kaya tinusok hanggang sa mapatay si Sugitan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments