Nakilala ang nangungunang kriminal sa Bicol na si Julito Llosala alias Kumander Awa, Bart at Obet ng Pilar, Sorsogon.
Sa nakarating na ulat sa Kampo Simeon Ola, naganap ang enkwentro dakong alas-3:30 ng hapon habang namamasko ang suspek kasama ang dalawang alalay nito sa mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Bicol Police Chief P/Chief Supt. Rodolfo Tor na naipagbigay alam na sa kanila ang impormasyon tungkol sa pamamasko ni Kumander Awa kaya agad itong nagsagawa ng operasyon sa kinaroroonan ni Awa.
Nang papalapit ang tropa ng militar kay Kumander Awa ay kaagad silang sinalubong nang sunud-sunod na putok mula sa dalawang kal. 45 pistola na armas ng suspek.
Mabilis na gumanti ng putok ang mga awtoridad na kung saan si Awa ay tinamaan sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.
Samantala ay dalawa ang tinamaan naman ng ligaw na bala na kinilalang sina Lydia Nano at Martin Naje at nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan dito.
Ang suspek na si Kumander Awa ay may patong sa ulong P400,000 base sa ipinalabas na DILG memorandum kung saan kinategorya ito na No. 1 Most Wanted Person sa Bicol.
Si Kumander Awa, dating miyembro ng Phil. Constabulary ay natanggal na sa serbisyo noong 1985 matapos na mapatay nito ang kapwa PC sa kanilang detachment sa Donsol, Sorsogon.
Si Kumander Awa din ang itinuturong assasin ni Mayor Manuel Sia ng Pilar Sorsogon noong 1999 na kung saan sugatan din ang anak ng napaslang na mayor na si Manuel Jr. (Ulat ni Ed Casulla)