2 todas sa ambus ng NPA

DARAGA, Albay – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kawal ng Phil. Army at bayaw nito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang dalawa ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Anislag sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Dalawamput pitong bala ng kalibre .45 baril ang tumapos sa buhay nina T/Sgt. Rolando Bongais, 41, may asawa ng Kampo Semion Ola at ang bayaw nitong si Salvador Jacob, 37, may asawa at kapwa residente ng Brgy. Tabon- Tabon, Daraga, Albay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pananambang dakong alas-2:20 ng hapon habang patungo ang dalawa sa naturang kampo at pinalalagay na inabangan ang mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments