Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspek na sina Reynaldo "Bossing" Francisco, 41; John Leo Francisco, 19; Jhun Catoy, 30 ng Brgy. Javalera, Gen. Trias, Cavite; Concepcion Arbolante, 32, alyas Connie Bayas ng Brgy. Julugan, Tanza, Cavite; Dominador "Junior" Bayas ng Brgy. Habang, Amadeo; Vic Martal, 22 ng Chesa St., Golden Acres, Talon Uno, Las Piñas City; Restituto "Resty" Mariano, 26 empleyado ng Maxims Phils. ng Purok Uno, Panungyanan, Gen. Trias, Cavite; at Carlos "Buldog" Vivar, 28 ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias. Cavite.
Tinutugis naman ang iba pang suspek na sina Liza Francisco; Carlos "Jun-Jun" Latoja at isang alyas Ryan, 26 na pawang residente ng nabanggit na bayan.
Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng reklamong isinampa ng pamunuan ng Maxims Phils. Operating Corp. na may nawawalang mga computer chips na pinaniniwalaang ipinupuslit papalabas ng ilang trabahador at ipinagbibili sa mga computer shop. (Ulat ni Grace dela Cruz)