Sinabi ni Capt. Damian Carlos, commander ng Phil. Coast Guard sa Southwestern Mindanao, nadiskubre ang cache ng blasting caps matapos na abandonahin sa barkong M/V Magnolia.
Napag-alaman pa sa ulat na ang blasting caps ay ginagamit ng militar at hindi pang-commercial model.
Kasalukuyang bineberipika pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng blasting caps at dahil sa mahigpit na pinaiiral na seguridad sa mga pampasaherong barko ay inabandona ng hindi pa nakikilalang pasahero na pinalalagay na maghahasik na naman ng lagim sa naturang lalawigan.
Ayon pa kay Carlos, walang palatandaan na ang blasting caps ay nagmula sa AFP arsenal at nangangalap na ng impormasyon sa mga pasahero at opisyal ng barko upang matukoy ang orihinal na pinagmulan ng biyahe ng M/V Magnolia.
May teorya ang mga awtoridad na nakatunog sa mahigpit na seguridad kaya inabandona ng hindi kilalang pasahero ang blasting caps upang makaiwas sa susunod na senaryo. (Ulat ni Roel Pareño)