2 katao patay sa road mishap

Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi sa naganap na road mishap sa magkahiwalay na lalawigan ng Cavite at Albay kahapon ng umaga at kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga biktimang sina Edith Red, 51, dalaga ng Sitio Bangag, Brgy. Kalsada, Oas, Albay at Hilario Mojeres, 57, may asawa, magsasaka ng Barangay Salud, Tanza, Cavite.

Batay sa nakalap na ulat ng pulisya, unang naitala ang aksidente dakong alas-8 ng umaga habang tumatawid si Red sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Kalsada sa Oas, Albay.

Hindi naman nakilala ang drayber ng van na humarurot patungong direksyon ng Ligao City.

Si Mojeres naman ay nasalpok ng dyip (WDB-858) dakong alas-10:30 ng gabi habang tumatawid sa kahabaan ng Soriano Highway na sakop ng Barangay Sahud-ulan sa Tanza, Cavite.

Samantala, sumuko naman ang drayber ng van na si Ferdinand Relda, 30 ng Ayala Homes, Mandaluyong City at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Ed Casulla)

Show comments