Nanalong barangay kagawad dinakip sa kasong murder

CAMP NAKAR, Lucena City – Bumagsak sa kamay ng batas kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ilayang Tubigan sa bayang ito ang ikalimang most wanted na nagtago ng pitong taon dahil sa kasong pagpatay noong Setyembre 20, 1995 sa Lucena City.

Nanalo pang barangay kagawad noong nakalipas na halalan ang suspek na si Dante Gonzales, 44, may asawa ng naturang lugar sa Macalelon, Quezon.

Isinagawa ang pagdakip sa suspek dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ng Lucena Regional Trial Court Branch 57 tungkol sa pagkakapatay kay Arturo Consul ng Calmar Subdivision, Lucena City.

Ayon kay SPO3 Jhonny Escalderon na isinumite kay P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, nagkaroon ng habulan makaraang matunugan ng suspek na aarestuhin siya ng pulisya. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments