Base sa ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa kisame ng ikalawang palapag mula sa isa sa labinlimang gusali ng Marcelo H. Del Pilar High School.
Tumagal ang sunog ng 15 minuto na nagsimula dakong alas-4:45 ng hapon at walang iniulat na nasawi o nasugatan dahil sa nagsilabasan na ang mga estudyante.
Napag-alaman pa na mabilis na kumalat ang apoy sa dalawang palapag at naabo ang lahat ng gamit sa 18 silid-aralan subalit hindi nadamay ang kalapit na gusali ng naturang eskuwelahan dahil na rin sa mabilis na pagtugon ng mga miyembro ng pamatay-sunog.
May palagay ang mga imbestigador na nagdikit ang lumang talop na linya ng kuryente sa kisame kaya nagsimulang kumalat ang apoy. (Ulat ni Efren Alcantara)