Tsino na dumukot sa Tsinoy tiklo

Arestado ang isang Chinese national na umano’y kasama sa mga suspek na Chinese sa pagdukot ng isang Fil-Chinese businesswoman sa La Union.

Kinilala ni Acting Immigration Commissioner Daniel Cueto ang suspek na si Thang Du alyas Wilson Zhang na dinakip ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration habang dinidinig nito ang kanyang kasong kidnapping sa San Fernando City Regional Trial Court sa nasabing lalawigan.

Ipinaliwanag ni Cueto na ang pagkakaaresto kay Du ay hindi dahil sa kanyang kasong kinasasangkutan na kidnapping bagkus sa pagiging undocumented alien nito. (Ulat ni Jhay M. Quejada)

Show comments