Walang buhay na bumulagta sina Edgar Intervension, 52 at anak na si Leo, 23, samantala, isa pang anak ni Edgar na si Juan ay tinamaan sa leeg at kanang balikat.
Malubha namang nasugatan ang asawang si Lilia makaraang matapakan ang itak na hawak ni Edgar.
Sinabi ni P/Chief Insp. Regidor Alvarado, hepe ng naturang bayan na muling hinihikayat ng mga rebelde na bumalik sa makakaliwang kilusan si Edgar ngunit patuloy na tumanggi ang biktima at inakalang asset na ng militar kaya pinatahimik.
Kinondena naman ni Governor Joseph Marañon ang malagim na trahedya sa pamilya Intervension at nanawagan sa mga rebelde na makiisa sa isinusulong na kapayapaan ng gobyerno.
Base sa record ng militar, ang mag-ama ay naitalang ika-siyam na sibilyan sa bayan ng Ilog Negros Occidental at Guihulngan, Negros Oriental ang napapatay ng mga rebelde simula pa noong Abril 2002. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)