Vendor pinatay ng karibal

DASMARIÑAS, Cavite Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na fish vendor ng karibal sa panliligaw makaraang bumisita ang biktima sa bahay ng babae na nililigawan din ng huli sa Brgy. Sampalok 4 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Tinadtad ng saksak ng patalim ang biktimang si Eugenio Cabarubias, samantala, tumakas naman ang suspek na si Victor Alexander Alasas, construction worker at residente ng Block 19 Lot 17 Zone ng nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Valero Bueno, nagtungo ang biktima sa bahay ng nililigawan dakong alas-9 ng gabi ngunit wala ang babae at ang nadatnan ay ang suspek. Kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments