Broker itinumba ng kabaro

ANGONO, Rizal – Humabol pa sa Araw ng mga Patay ang isang broker ng lupa makaraang tadtarin sa saksak ng kanyang karibal na broker sa bayang ito kamakalawa.

Ang bangkay ng biktimang si Joselito Antaso, 57, may asawa ng San Carlos Height, Brgy. Tayuman ay natagpuan sa bakanteng lote sa Barangay San Roque bandang ala-1 ng madaling-araw ng sibilyang si Renato Pagtanghan.

Sa ibinigay na ulat ni PO1 Richard Ganallon kay P/Senior Supt. Carlito Dimaano, Rizal police director, huling namataan ang bikitma noong Huwebes bago sumapit ang Araw ng mga Patay.

Hindi naman ibinulgar ang pangalan ng suspek upang hindi maantala ang isinasagawang imbestigasyon at pagdakip sa killer ng biktima na pinalalagay na karibal sa trabaho. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments