Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Joselito J. Halili, 40 ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon at Efren de Cruz na drayber ng motorsiklo (DP-5653) na magde-deliver sana ng pakete patungong Candelaria, Quezon.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Mario Barbacena, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen bandang alas-5:15 ng hapon matapos harangin ang dalawa ngunit aktong papatakas ang mga biktima ay kaagad na pinaputukan na ikinasawi ng mga biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)