Ayon kay Chief Supt. Arturo Lomibao, Region 1 PNP director, maliban sa mga pulis ay marami ring sundalo ng Phil. Army ang nakatalaga sa loob at paligid ng naturang dam at Sual plant na aniya ay 24-oras nagmamanman laban sa anumang pagtatangkang pasabugin ang mga ito.
Sinabi rin ni Lomibao na mahihirapan ang mga rebelde na isabotahe ang dalawang naturang establishments dahil mahigpit na ang security sa loob at paligid ng naturang power plant at dam.
Sa briefing na isinagawa naman ni Senior Supt. Arturo Cacdac, Pangasinan PNP director, sinabi nito na ang may kakayahang sumabotahe lamang sa naturang dam at Sual plant ay ang mga miyembro ng CPP/NPA at ang break-away group nitong Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.
Kaugnay nito, ninenerbiyos na ang mga namamahala sa naturang planta at dam dahil baka masingitan sila ng mga rebelde.
Ang San Roque dam ang siyang pinakamalaki sa Asya at siyang nagsusuplay ng patubig sa may 870,000 ektarya sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Tarlac at Benguet. (Ulat ni Myds Supnad)