Sinabi ni Brig. Gen. Alphonsus Crucero, commanding general ng 303rd Infantry Brigade, ang pampasabog na kilalang water gel explosives o power gel 3151 ay gagamitin ng mga rebelde sa pagpapasabog ng mga linya ng transmission ng Napocor at pangunahing communication facilities sa Negros.
Ang pagkakadiskubre ng anim na paketeng bomba na may 37 blasting cap at 14-meter detonating cord ay bunsod ng impormasyong ibinigay ng isang asset ng militar na kasapi rin sa kilusang makakaliwa.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng may-ari ng bahay na kung saan nadiskubre ang bomba.
Napag-alaman naman kay P/Sr. Supt. Geary Barias, hepe ng PNP Firearms and Explosives Office na ang UK-made explosives ay ginagamit lamang ng militar at hindi mabibili sa mga establisimyento.
Pinalalagay ni Barias na nakulimbat ng mga rebelde ang pampasabog mula sa mga sinalakay na outpost ng pulisya at militar. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)