Umbagerong mister tinigok ni misis

GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite – Dahil sa pagiging umbagerong asawa ay nagawang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Nicolas Virata sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa ospital si Jose G. Clerigo, 34, samantala, kaagad naman sumuko sa pulisya ang suspek na si Eleonor Clerigo, 33, kapwa mananahi ng damit at residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Cherilyn Perea, naitala ang krimen dakong ala-una ng madaling-araw .

Dumating ang biktima na lango pa sa alak at pasigaw na tinawag ang kanyang misis ngunit binalewala ng babae hanggang sa magtalo ang mag-asawa at upang maiwasan ang muling panggugulpi sa babae ay napatay nito sa saksak ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments