Barangay Kagawad pinatay ng mga holdaper

DASMARIÑAS, Cavite – Dahil sa pagresponde sa hinoldap na pampasaherong dyip ay naging ugat ng kamatayan ng isang kasapi ng barangay kagawad matapos mabaril ng mga holdaper sa Brgy. Salawag sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Crisanto Castañeda, 43, may asawa ng Block 58 Lot 34, Phase 5 Mabuhay Homes 2000 sa nabanggit na barangay ay pinagbabaril hanggang mapatay ng mga hindi kilalang holdaper dakong alas-8:10 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO2 Edgar Belza, humingi ng saklolo ang isang pasahero sa biktima na hinoldap ang kanyang sinasakyang dyip kaya mabilis namang rumesponde ngunit sinalubong si Castañeda ng sunud-sunod na putok ng baril. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments