Coed binigti ng miyembro ng Akyat-bahay gang

AMADEO, Cavite – Binigti hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na estudyanteng babae ng mga hindi kilalang mandurugas na pinaniniwalaang kilabot na miyembro ng "Akyat-bahay" gang makaraang pasukin ang bahay ng biktima saka pinagnakawan pa ng milyong halaga ng ari-arian at pera sa Brgy. Bucal sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na iniwang patay sa kusina ay nakilalang si Cristia-Ann Causaren, isang kolehiyala ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga killer na bago tumakas ay nandugas pa ng milyong halaga ng ari-arian at tinangay pa ang baril na 9mm na pag-aari ng biktima.

Sa ulat ni SPO2 Julian Amparo, pumasok ang grupo ng mandurugas sa harapan mismo ng bahay ng pamilya Causaren saka winasak ang pintuang kahoy.

May palagay ang pulisya na kakilala ng biktima ang ilan sa mga killer kaya pinatahimik upang walang maging saksi sa krimen.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments