Lalaki pinatay bago tinangayan ng motorsiklo

KAWIT, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na lalaki ng nag-iisang hindi kilalang lalaki saka tinangay pa ang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Kawit, Noveleta diversion road kamakalawa ng gabi.

Si Edgardo Pacheco, 28, may asawa ng 368 De Rojas St., San Antonio, Cavite City ay hinarang nang hindi kilalang lalaki saka pinagbabaril dakong alas-9:20 ng gabi.

May palagay si SPO4 Margarito Alba na kasapi ng sindikato ng karnaper ang killer dahil sa estilo ng krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments