2 estudyante lunod sa ilog

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang kabataang estudyante ang iniulat na nasawi makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa ilog ng Tapayan, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Ang mga bangkay ng biktima na natagpuang nakalutang sa naturang ilog ay nakilalang sina Darlene Pamot, 14 at Manica Ramos, 14, kapwa 2nd year high school at mga residente ng San Lorenzo St., Brgy. San Juan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang magkaibigan na magkasamang naliligo sa nabanggit na ilog hanggang sa maglaho na lamang sa ibabaw ng tubig-ilog. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments