Mag-ina dedo sa trak ng militar

ILIGAN CITY – Naging malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-ina, samantala, isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos mahagip ng trak ng militar na minamaneho ng senglot na sundalo na may kasama pang isa sa kahabaan ng highway na sakop ng Barinaut, Barangay San Roque sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Sina Victoria Coca, 65 at anak nitong si Adelaida, 30 ay kaagad na binawian ng buhay, samantala, si Alberto Coca, 30, na pawang residente ng Barangay Bonbonon ay inoobserbahan sa Mindanao Sanitarium and Hospital.

Kasalukuyan namang nasa custody ni Lt. Col. Mangilog ng 52nd Engr. Brigade Provost Marshal na nakabase sa Bukidnon ang mga suspek na sina S/Sgt. Carlito Aragon at Sgt. Elmer Gayuda na sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Lino dela Cruz)

Show comments