Si Maximo Aquino ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib, samantala, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Emil, Jun at Hernan Baysantos at isang nagngangalang Francisco Mendoza na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ni SPO2 Eduardo Eusebio, naganap ang krimen bandang alas-7:30 ng gabi makaraang makarinig ng rambulan ang biktima sa harap ng kanyang bahay.
Tinangkang awatin ng biktima ang rambulan ng mga suspek ngunit siya ang nabaril. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)